^

Metro

Reklamo dalhin sa korte, hindi sa kalye – NCRPO

-
Hinamon kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Vidal Querol ang lider ng mga raliyista sa Metro Manila na sa halip na ipagpilitan ang pagrarali ng walang permiso ay dalhin ang kanilang reklamo sa korte.

Ito’y kasunod na rin ng kautusan ni Querol sa mga police commanders sa Metro Manila partikular kay Manila Police District Director, Chief Supt. Pedro Bulaong na imbestigahan ang marahas na pagbuwag sa rally sa Mendiola noong Miyerkules.

Sinabi ni Querol na kung may reklamo ang mga organisasyon ng mga demonstrador ay mas makabubuting idulog ng mga ito sa korte sa halip na makipagbanggaan sa anti-riot policemen upang di mauwi sa karahasan.

Sinabi pa ni Querol na inatasan niya ang lahat ng police commanders na magpatupad ng panuntunan para maiwasan ang marahas na pagbuwag sa mga rali.

Nakuha sa television footage sa Mendiola nitong nakaraang Miyerkules habang hinahampas ng mga anti-riot policemen ng metal shield ang mga raliyista kabilang ang isang matandang babae kahit na nawala na ang picket lines.

Sa tala ng pulisya, may 15 demonstrador ang inaresto habang marami pa ang nasugatan kabilang ang sampung pulis sa pagpapatupad ng calibrated preemtive response (CPR) kontra rally na walang permit sa Mendiola sa loob lamang ng dalawang araw. (Joy Cantos at Danilo Garcia)

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DIRECTOR VIDAL QUEROL

JOY CANTOS

MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR

MENDIOLA

METRO MANILA

MIYERKULES

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with