Anti-Terror Task Group binuo
October 6, 2005 | 12:00am
Binuo kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Anti-Terror Task Group upang hadlangan ang "terror attacks" sa Metro Manila.
Sinabi ni NCRPO chief Director Vidal Querol na ang 20-man Anti-Terror Task Group ay pamumunuan ni Sr. Supt. Federico Laciste, dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Metro Manila.
Ayon kay Querol, ang Task Group ay makikipagkoordinasyon sa pangangalap ng impormasyon sa intelligence sa iba pang mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas, gayundin maging counterpart nito sa police forces sa Southeast Asian Region.
Binigyang-diin pa ni Querol na kailangang mapaghandaan ang banta ng terorismo sa Metro Manila.
Ang security forces ng bansa ay umalerto kontra terrorist attacks matapos ang suicide bombings sa Bali, Indonesia nitong nakalipas na linggo na ikinasawi ng 26 katao habang daan pa ang nasugatan nitong nakalipas na Sabado. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest