^

Metro

7 miyembro ng robbery/ holdup syndicate, timbog

-
Nadakip ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pitong kalalakihan na pawang mga miyembro ng ‘Jiovanie Mag-aso Payroll Robbery Hold-up Syndicate’ na nag-ooperate sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kinilala ni NCRPO chief Director Vidal Querol ang mga suspect na sina Santiago Renieva, 36; Joivani Magaso, 35; Paterno Cabilangan, 23; Rosendo Bayron, 36; Pedro delos Santos, 42; Dennis Harayo, 22 at Fernando de Jesus , 41.

Nasakote ang mga suspects sa isinagawang follow-up operation sa lungga ng mga ito sa Sapa Bisalao, Bagbaguin, Valenzuela City dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi matapos na holdapin ang isang Catalina delos Reyes, 33, clerk ng Metro Power Services Agency & Company.

Narekober sa mga suspects ang nakulimbat ng mga itong P40,000, Leuba ladies wristwatch at mga gamit nilang granada, isang cal. 38 baril at limang mahahabang patalim.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Doris Franche)

DENNIS HARAYO

DIRECTOR VIDAL QUEROL

DORIS FRANCHE

JIOVANIE MAG

JOIVANI MAGASO

METRO MANILA

METRO POWER SERVICES AGENCY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PATERNO CABILANGAN

PAYROLL ROBBERY HOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with