Trader patay sa PSG
October 6, 2005 | 12:00am
Isang 35-anyos na trader ang binaril at napatay ng isang opisyal ng Presidential Security Group (PSG) dahil lamang sa matagal nang alitan ng kani-kanilang pamily, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Namatay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Eduardo Mayuga, ng Comfort Village, Brgy. Tambo ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng 9mm pistol sa ulo.
Nakatakas naman ang suspect na nakilalang si Captain Allan Aberia, miyembro ng PSG at ang dalawang kasama nito na nakilalang sa mga pangalang Jeffrey at Charlie Guitoria, ng Sunrise St., Concorde Village, Brgy. Tambo, Parañaque City.
Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa loob ng isang bilyaran na pag-aari ng biktima na matatagpuan sa Mayuga Compound, Comfort Village ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na nagtungo sa bilyaran ng biktima ang suspect kasama ang dalawang kalalakihan na naglaro roon ng bilyar.
Matapos maglaro ay biglang binunot ng suspect na si Aberia ang kanyang 9mm pistol at saka binaril sa ulo ang biktimang si Mayuga na noon ay nakatayo na naging dahilan ng kamatayan nito.
Nabatid pa na matagal ng may alitan ang pamilya ni Mayuga at pamilya Aberia na nag-ugat matapos na ireklamo ng pamilya ng una ang kapatid ng suspect na si Lucio Aberia dahil sa madalas na pagpapaputok at panunutok nito ng baril lalo na tuwing malalasing.
Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya para tugisin si Captain Aberia at mga kasamahan nito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest