Galunggong P300.00 isang piraso
October 5, 2005 | 12:00am
Walo katao kabilang ang isang ginang na vendor ang nadakip ng pulisya matapos madiskubre na ang ibinebenta nitong isdang galunggong na nagkakahalaga ng P300.00 isang piraso ay naglalaman ng shabu sa Parañaque City, kahapon ng hatinggabi.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Josephine de Leon, alyas Josie; Candy Valenzuela, 28; Marlon Molleno; Manuel Salanatin, 26; Dominador Segurin, 45; Dodolfo Ilustre, 24; Jericho Villanueva, 17; at Lloyd Ferrer, 30, pawang mga taga-Barangay Dongalo.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12 ng hatinggabi sa Fisherman Wharf, Santo Niño de Coastal ng nabanggit na barangay.
Nakarating ang impormasyon sa mga pulis na ang suspect na si de Leon ay nagbebenta ng isang galunggong na ang bawat piraso ay nagkakahalaga ng P300.00.
Dahil dito nagduda ang mga pulis at isa sa kanilang asset ang nagpanggap na buyer ng naturang isda at positibong P300.00 ang halaga nito bawat isang piraso. Nang busisiin ang isda ay doon natuklasan na may laman itong isang plastic sachet ng shabu.
Kaagad na dinakip ang nasabing ginang at nakumpiska rito ang kanyang mga tindang isdang puro may lamang droga.
Pito pang kasamahan ni de Leon ang dinakip din ng mga awtoridad. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am