^

Metro

Roldan, Wang nadiin sa kidnap

-
Tumestigo kahapon sa korte ang isang police official na nakita niyang bumisita si dating Quezon City Congressman Dennis Roldan, umano’y girlfriend nitong si Suzette Wang at isa pang akusado sa isang safehouse kung saan nakatago ang 3-anyos na Tsinoy na si Kenshi Yu na kanilang dinukot ilang araw ang nakalipas sa Pasig City.

Sa pagpapatuloy ng hearing sa kasong kidnapping ni Roldan at iba pa na dinidinig sa sala ni Judge Agnes Carpio ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 161, sinabi ni Sr. Insp. Alfren Juaneza, nakatalaga sa Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER), na nagsasagawa sila ng surveillance operation dakong alas-2:40 ng hapon noong Pebrero 17 kasama ang dalawa pa niyang kasamahan sa safehouse ng mga kidnapper sa #32 Zamboanga St., West Ave., Quezon City matapos na makakuha ng impormasyon na doon dinala ang batang Yu na dinukot ng mga akusado habang papasok sa eskuwelahan noong Pebrero 9 ng taong ito sa Ortigas, Pasig City.

Habang nag-aabang ang grupo ni Juaneza ay biglang dumating ang isang violet na Toyota Corolla at unang lumabas ng nasabing kotse si Roldan kasunod si Wang at Garces at tumagal ng halos limang minuto bago umalis ulit sakay ng nasabing kotse.

Dagdag pa ni Juaneza, nakilala lamang niya si Garces nang i-present ito sa media matapos maaresto kasama ang apat pang akusado.

Itinanggi naman ni Garces na kasama siya sa mga dumukot kay Yu at sinabi nitong kinukumbinsi niya si Roldan, Mitchell Gumabao sa tunay na buhay, dahil matalik na kaibigan at magkababata silang dalawa.

Si Roldan ay naaresto sa kanyang bahay sa Fairview, Quezon City, matapos na iturong mastermind ng iba pang akusado na sina Adrian Domingo, Rowena, asawang si Noel San Andres at Romeo Orcajada, nang mahuli sa isa pang safehouse sa Cubao, Q.C. noong Pebrero 17 at matagumpay na nailigtas ang batang biktima. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ADRIAN DOMINGO

ALFREN JUANEZA

EDWIN BALASA

GARCES

JUANEZA

JUDGE AGNES CARPIO

PASIG CITY

PEBRERO

QUEZON CITY

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with