Mag-aama abswelto sa pagpaslang sa ex-actress
October 4, 2005 | 12:00am
Pinawalang sala kahapon ng hukuman ang mag-aamang akusado sa pagpaslang sa dating aktres na si Strawberry dahil lamang sa iringan sa trapiko makaraang hindi direktang masabi ng testigo na ang mga ito ang bumaril sa biktima na naganap noong 2001 sa Las Piñas City.
Sa 26 na pahinang desisyon ni Judge Elizabeth Tu Guray, ng Branch 202, Las Piñas City Regional Trial Court, napawalang sala sa kaso ang mag-aamang sina Reynaldo Picar, 56; at mga anak na sina Ronald, 33; at Mark Ryan, 27, pawang mga taga-Las Piñas.
Dumalo lamang sa isinagawang promulgation kahapon ang mag-amang Reynaldo at Ronald na kapwa napaluha sa matinding katuwaan. Hindi na umano pinadalo sa promulgation si Mark Ryan dahil ayon sa pamilya Picar ay may banta sa buhay nito.
Ang biktimang si Strawberry, Anouk Sumayao Baldo sa tunay na buhay, 25, ng Executive Village, BF Homes Resort ng lungsod na ito ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Parañaque Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.
Base sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Disyembre 18, 2001 sa Tirona St., Executive Village, BF Homes Resort, Las Piñas City matapos magkaroon ng mainitang argumento ang boyfriend ng biktima na si June Mark Doromal at ang mag-aamang akusado.
Ngunit sa isinagawang pagdinig sa naturang kaso at base sa mga isinumiteng ebidensiya walang makitang sapat na ebidensiya ang hukuman na magdidiin sa mag-aamang Picar.
Hindi nasabi ng testigong si Marfie Arabani na ang mag-aamang Picar ang direktang bumaril sa aktres kaya napawalang sala ang mga ito.
Matatandaang base sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas City police, unang lumutang ang anggulong ang guwardiya ng boyfriend ng aktres ang siyang nakabaril sa biktima ito ay sa pag-aakalang ang sakay sa sasakyan ay ang nakalaban nilang Picar family. Nang mailipat sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) lumabas sa imbestigasyon na ang mag-aamang Picar ang responsable sa krimen.
Labis naman ang pagkalungkot ng pamilya ng nasawing aktres sa naging desisyon ng korte. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am