^

Metro

Petisyon ng MRT kinatigan ng SC

-
Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang petition ng Metro Rail Transit (MRT) Corp. na kuwestiyunin ang sinisingil ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mahigit P500 M.

Bunga nito’y pinababalik ng SC sa Court of Tax Appeals (CTA) ang nabanggit na kaso upang pormal na maghain ng ebidensiya ang mga partido nito.

Binaligtad at isinaisantabi ng SC ang resolution ng CTA noong Agosto 2004 na nagdeklarang wala nang karapatan ang MRT na magsumite ng kanilang ebidensiya sa nabanggit na usapin. Ito ay matapos makailang ulit na mabinbin ang pagdinig dito.

Binigyang-diin pa ng SC na ang ginawang pagpapahinto ng pagdinig ng MRT ay hindi rin upang pabagalin ang kaso at hindi rin ito nangangahulugan ng kawalan ng interes.

Ayon sa SC, ang mga dahilan ng MRT kung kaya’t nagkakaroon ng postponement ay maituturing na lehitimo at balido.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na nagpalit ng abogado ang MRT kung kaya’t pinag-aaralan pa lang ng bagong abogado nito ang kaso. (Grace dela Cruz)

AGOSTO

AYON

BINALIGTAD

BINIGYANG

BUNGA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COURT OF TAX APPEALS

KORTE SUPREMA

METRO RAIL TRANSIT

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with