17-anyos hulog na, lunod pa
October 2, 2005 | 12:00am
Isang 17-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi matapos na mahulog at malunod sa malalim na hukay na puno ng tubig ng isang abandonadong gusali sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang biktima na si Justin Ganade, high school student ng 99 Silencio St., Brgy. Santos, Quezon City.
Ayon sa ulat, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Banawe Tower na matatagpuan sa panulukan ng Banawe at Caldiz Sts., Brgy. Doña Josefa ng nabanggit na lungsod.
Sa pahayag ng mga kasamahan ng biktima na sina Cesar Siongco, 26; at Ruben Espino, 18, nag-iinuman sila kasama ang biktima sa ikalimang palapag ng hindi pa natatapos na gusali bago naganap ang insidente.
Nauna nang nagpasya ang biktima na bumaba ng malasing at pagdating sa ikaapat na palapag ay nadulas ito hanggang sa tuluyan itong nahulog sa basement na puno ng tubig-ulan.
Ilang oras din ang ginugol ng Philippine Coast Guard sa paghanap sa labi ng biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended