^

Metro

Apela ng NBI sa misis ni Michael Ray Aquino

-
Umapela kahapon si National Bureau of Investigation (NBI) Director Gen. Reynaldo Wycoco sa maybahay ni dating PAOCTF Senior Supt. Michael Ray Aquino na huwag sisihin si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo sa kinakaharap na problemang legal ngayon ng kanyang asawa.

Ito ang naging reaksyon ni Wycoco matapos na maglabasan ang mga ulat na sinisisi ni Gng. Fatima Aquino, asawa ni MIchael Ray, si Pres. Arroyo kung bakit nasa bilangguan ngayon ang dating tauhan ni Senator Panfilo Lacson.

Ayon kay Fatima, naniniwala siyang pulitika ang rason kung bakit sinampahan ng kasong paniniktik o pang-eespiya ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Estados Unidos si Michael Ray.

Bagamat naiintindihan umano nila ang nararamdaman ni Fatima bilang asawa, sinabi naman ni Wycoco na "unfair" o hindi naman tama na sisihin nito ang presidente sa nangyari sa kanyang asawa.

Ipinaliwanag ni Wycoco na kaya umalis ng Pilipinas si Michael Ray ay upang iwasan ang kasong isinampa sa kanya na may kaugnayan sa "Kuratong Baleleng" at "Dacer-Corbito murder case".

Gayunman, tila tinatanggihan umano ni Aquino ang tulong na ibinibigay sa kanya ng pamahalaang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Samantala, sinabi naman ni NBI-Interpol Chief Atty. Ricardo Diaz na hindi pa nabubuksan ang mga envelope na sinasabing naglalaman ng mga "classified information" tungkol sa ilang opisyal ng Pilipinas na nakuha umano nina Michael Ray at FBI analyst na si Leandro Aragoncillo mula sa isang military installation na pag-aari ng FBI.

Hindi rin umano nakadalo sa idinaos na pagdinig sa kaso noong Setyembre 21 si Michael Ray.

Matatandaang si Michael Ray at si Aragoncillo ay inaresto matapos mabuking na umano’y nangangalap sila ng mga classified information laban sa ilang mga opisyal ng Pilipinas. (Gemma Amargo-Garcia)

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DIRECTOR GEN

ESTADOS UNIDOS

FATIMA

FATIMA AQUINO

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

MICHAEL RAY

PILIPINAS

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with