^

Metro

PNP officials protektor ng ‘Dose Pares Gang’

- Edwin Balasa -
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pamunuan ng PNP matapos na makatanggap ng impormasyon na may mga matataas na opisyal ng pulisya ang nasa likod ng operasyon ng "Dose Pares Gang".

Ito ang ibinunyag kahapon ng isang mataas na opisyal na pulis matapos na makakuha ng isang intelligence report na may matataas na PNP officials ang tumatayong protektor ng grupo na pawang mga tiwaling pulis ang miyembro at sangkot sa malalaking kaso ng robbery with homicide at kidnapping sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Lalong tumibay ang paniwalang organisadong grupo ang "Dose Pares Gang" na binubuo ng mga tauhan din ng pulisya.

Binanggit pa ng opisyal na sa kasalukuyan ay tinatrabaho na nila ang pagkakakilanlan at madaliang pag-aresto sa walo pang miyembro ng grupo. Tatlo na sa miyembro ng grupo ang nadakip, ito ay sina PO1 Roel Palana, PO1 Candido Vallejo at PO2 Roger Villarante na pawang nakatalaga sa District Mobile Force ng Eastern Police District.

Matatandaang lima na sa mga nabiktima ng grupo ang kanilang napatay kabilang ang 1-taong gulang na si Erica Charlene Guevarra na nabaril nila sa ulo makaraang holdapin at paulanan ng bala ang mga magulang nito sa Cainta, Rizal habang lulan sa kotse.

Sangkot din ang grupo sa pangingidnap sa Tsinoy engineer na si Michael Chan, 44, na dinukot sa Katipunan, Quezon City noong Agosto 15 at matapos ang dalawang araw ay natagpuang patay sa mabanging bahagi ng Brgy. Inarawan sa Antipolo City.

ANTIPOLO CITY

CANDIDO VALLEJO

DISTRICT MOBILE FORCE

DOSE PARES GANG

EASTERN POLICE DISTRICT

ERICA CHARLENE GUEVARRA

METRO MANILA

MICHAEL CHAN

QUEZON CITY

ROEL PALANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with