^

Metro

Billboard operators gigisahin sa hearing

-
Nakatakdang gisahin ng Quezon City council sa darating na Lunes ang mga operator ng commercial billboards pati na rin ang mga sexy models ng mga ito sa isang public hearing na gaganapin sa Quezon City Hall.

Ayon kay Councilor Winston ‘Winnie’ Castelo at Councilor Ariel Inton, ang naturang public hearing ay isasagawa upang mapatawan ng regulasyon ang pagpapagawa at pagpapatayo ng mga commercial billboards.

Layunin din umano ng nasabing public hearing ang magbigay-linaw sa mga batas na nilalabag umano ng mga operator ng mga billboard at mga sexy models nito. Pinaliwanag ni Castelo at Inton na kailangang ma-regulate ang pagpapagawa at pagpapatayo ng mga commercial billboard dahil sa panganib at perwisyo na dulot nito sa publiko, partikular ang mga residente ng lungsod Quezon.

Kailan lamang ay isang dambuhalang advertisement billboard ang bumagsak at pumutol sa kable ng Metro Rail Transit (MRT) na naging sanhi upang matigil ang operasyon nito ng walong oras. Batay sa report, milyun-milyong pagkalugi ang tinamo ng MRT dahil sa naturang insidente. May nilalabag din umanong ordinansa ang mga sexy models kaugnay ng kanilang mga hindi kanais-nais na larawan sa mga nagkalat na billboard sa mga lansangan.

AYON

BATAY

CASTELO

COUNCILOR ARIEL INTON

COUNCILOR WINSTON

INTON

METRO RAIL TRANSIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with