^

Metro

Dalaga binoga ng stalker sa harap ng boyfriend

-
Kritikal ngayon ang isang babaeng Tsinoy matapos na dalawang beses barilin ng stalker nito sa harap mismo ng kasintahan ng una, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Ginagamot ngayon sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang nakilalang si Michelle Yu, 25, dalaga, ng 956 F. Ormida St., Makati City.

Kinilala naman ng kasintahan ng biktima na si Joseph Sy, 29, ang suspect sa pangalang Glenn Bantig III.

Sa ulat ng MPD Station 5, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa tapat ng isang waiting shed sa panulukan ng Julio Nakpil St. at Taft Avenue, Malate habang naghihintay ang magkasintahan ng masasakyang taxi.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang suspect na si Bantig at dalawang beses na pinaputukan ang biktima na tinamaan sa likuran. Mabilis na tumakas ang suspect sakay ng isang scooter.

Agad namang pumara ng isang FX taxi si Sy at isinugod ang kasintahan sa pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Sy na ilang araw nang naikukuwento sa kanya ng kasintahan na sinusundan siya ng suspect na si Bantig tuwing lalabas siya ng kanilang bahay. Wala naman itong motibong sinabi liban sa posibleng may gusto ang suspect sa biktima.

Posibleng tumindi ang selos ng stalker nang makita ang biktima na kasama ang boyfriend kaya ito binaril.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa tumakas na suspect. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BANTIG

DANILO GARCIA

GLENN BANTIG

JOSEPH SY

JULIO NAKPIL ST.

MAKATI CITY

MANILA DOCTOR

MICHELLE YU

ORMIDA ST.

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with