^

Metro

Parak timbog habang bumibili ng shabu

-
Isa na namang pulis-Maynila ang naaresto habang nasa aktong bumibili ng ipinagbabawal na gamot o shabu sa isang checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Si PO3 Guillermo Sardin, 40, nakatalaga sa MPD-Police Community Precint sa V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila ay kasalukuyang nakapiit habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maaresto ang suspect sa panulukan ng Bato at Callejon Sts. sa nasabing lugar.

Nagpapatrulya umano ang mga awtoridad nang maaktuhan nila ang suspect na bumibili ng ipinagbabawal na gamot o shabu.

Hindi na nanlaban pa ang suspect nang arestuhin ng kanyang mga kabaro at nakuha mula sa pag-iingat nito ang isang sachet ng shabu. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BATO

CALLEJON STS

GEMMA AMARGO-GARCIA

GUILLERMO SARDIN

ISA

MAPA

MAYNILA

NAGPAPATRULYA

POLICE COMMUNITY PRECINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with