2 tulak tiklo sa 2 kilo ng shabu
September 28, 2005 | 12:00am
Dinakip ng pulisya ang dalawang pinaniniwalaang big-time drug pusher matapos makumpiska sa mga ito ang dalawang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng milyong piso, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Sa ulat ni Parañaque City chief of police Supt. Ronald Estilles, nakilala ang mga nadakip na sina Taher Bonbon, 23; at Mamao Abdul, 32.
Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na magsasagawa ng transaksyon ang mga suspect kung saan nakatakdang magbagsak ang mga ito ng shabu sa naturang lugar.
Dakong alas-6:30 ng gabi, sa harapan ng UCPB sa Brgy. Baclaran isinagawa ang drug operation na doon nasakote ang dalawa.
Nasamsam sa mga ito ang dalawang kilo ng shabu.
Nabatid na ang dalawa ay responsable sa malakihang pagbebenta ng shabu sa ilang lugar sa Metro Manila. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended