4 miyembro ng Waray-waray kidnap gang timbog
September 28, 2005 | 12:00am
Nalambat ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang apat pang kidnappers kabilang ang lider ng Waray-waray kidnap-for-ransom gang na itinuturong gunman sa kidnap-slay ni Coca-Cola Executive Betty Chua Sy sa isinagawang serye ng operasyon sa Metro Manila at Calabarzon area.
Kinilala ni Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) chief Deputy Director Oscar Calderon ang nasakoteng lider ng grupo na si Hector Cornista.
Bukod kay Hector, nalambat din ang dalawang kapatid nito na sina Dominador at Alvin Cornista at si Rogelio Mercado.
Natunton ang mga suspect sa isinagawang operasyon sa San Francisco, Quezon at Tanauan City, Batangas at sa Karuhatan, Valenzuela City at Brgy. Camarin sa Quezon City.
Ang pagkakadakip sa apat ay bunsod ng unang pagkaaresto kay Renato Superable, alyas Lupin, may patong na isang milyon sa ulo at isa rin sa kinikilalang lider ng grupo. Natunton ito ng mga awtoridad sa safehouse niya sa Antipolo City noong Sabado.
Si Hector Cornista ay may patong sa ulo na P.5 milyon, habang si Dominador naman ang siya umanong chief planner sa pagkidnap kay Sy.
Base sa rekord ng PNP ang mga suspect ay sangkot sa 18 kaso ng kidnap-for-ransom na naganap sa National Capital Region, Calabarzon at Bicol region.
Magugunita na si Sy ay dinukot ng mga suspect sa Quezon City noong Nobyembre 17, 2003. Natagpuang patay ang biktima kinaumagahan na nakalagay sa isang plastic ng basura at may tatlong tama ng bala sa hita at saka itinapon sa may Diosdado Macapagal Boulevard sa Parañaque City.
Bukod dito, sangkot din ang grupo sa kidnap-slay ni Arturo Picones noong Hulyo 2005, owner/operator ng chain restaurant na Dine-N Saur sa highway ng Angono, Rizal. Ang biktima ay pinaslang matapos na mabigo ang pamilya nito na magbayad ng ransom. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest