Dahil dito, masama ang loob ni Makati City Mayor Jejomar C. Binay at tahasang sinabi nito kahapon na pulitika ang nasa likod ng pagkasibak ng kanyang trusted police aide na si P/Sr. Supt. Jovito "Jovy" Gutierrez.
Sinisisi ni Binay ang liderato ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong hindi sumunod sa standard practice na impormahan ang local chief executive kaugnay sa pagsibak sa Chief of Police ng Makati at kung anong rason mayroon ang PNP.
Ayon dito, nagkaroon umano ng sabwatan ang Malacañang at PNP hinggil sa pagkakaalis sa puwesto ni Gutierrez. Nagpahayag ang alkalde na naging maayos ang trabaho ng kanyang chief of police na sana lang ay nabigyan ito ng courtesy sa nakatakdang pagreretiro nito sa Hulyo sa susunod na taon.
Kinumpirma ni Southern Police District Director Chief Wilfredo Garcia ang relieve order ni Gutierrez noong Linggo at ang acting chief of police ay ang deputy nitong si Supt. Efren Ysulat.
Gayunman, sinabi ni Garcia na promosyon umano ang pag-transfer kay Gutierrez sa ibang tanggapan sanhi ng transformation program na sinusunod at ipinatutupad umano ngayon ng PNP.
Nabatid na si Gutierrez ay over-staying na sa kanyang puwesto bilang chief of police. Ang naturang posisyon ay may maximum na dalawang taon lamang at sa kaso ni Gutierrez ay 1999 pa ito nakaupo dito sa Makati Police Headquarters. (Lordeth Bonilla)