^

Metro

Nagbebenta ng pekeng titulo ng lupa, timbog

-
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dalaga na inireklamo ng nabiktima nito sa kasong panloloko na pagbebenta ng lupa na peke ang mga dokumento matapos ang isinagawang entrapment operation sa Quezon City.

Si Maria Lourdes "Marilou" Galenzoga, ng no. 6-H Columbian International Tower sa No. 500 Santol St., Sta. Mesa, Manila ay nadakip sa loob ng bakeshop sa Timog Avenue, Quezon City matapos ang entrapment operation bunsod na rin ng reklamo ng negosyanteng si Roberto Magallanes, ng Timog Avenue, Quezon City na umano’y niloko at na-estafa ng naturang suspect na umabot sa P11 milyong piso.

Kabilang din sa inirereklamo ng biktima ay ang mga kaanak ng suspect na sina Marlina at Milagros V. Galenzoga.

Tanging si Maria Lourdes lamang ang nadakip ng NBI sa pamamagitan ng marked money na halagang P5,000 na ginamit kaugnay sa diumano’y patuloy na panloloko nito sa biktimang si Magallanes.

Sa kabila nito, mabilis namang nakapag-piyansa ang suspect na nahaharap pa din sa kaso. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

GALENZOGA

H COLUMBIAN INTERNATIONAL TOWER

MARIA LOURDES

MILAGROS V

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

ROBERTO MAGALLANES

SANTOL ST.

TIMOG AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with