Pagpatay sa trader na Tsinoy lutas na
September 26, 2005 | 12:00am
Nalutas na ng mga awtoridad ang kaso ng pamamaslang sa isang negosyanteng Tsinoy kamakalawa sa Valenzuela City matapos na maaresto ng Caloocan City Police ang dalawang suspect kahapon.
Ang mga suspect na sina Rolando Santos at Arnold Cerdena na kapwa residente ng No. 307 C. Cordero St. ang itinuturong responsable sa pagpatay kay Willy Ong, 52, ng Osmena St. San Francisco del Monte, Quezon City.
Nabatid na nadakip ang mga suspect sa kanilang inuuwiang bahay kung saan nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang cellphone ng biktima na Nokia 6600.
Matatandaang dakong alas 5:30 kamakalawa ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Ong sa isang basurahan sa Kowloon Compound, Tatalon, Brgy. Ugong, Valenzuela City.
Nakita ng isang basurero ang bangkay ng biktima na nakalagay sa sako at tadtad ng saksak sa katawan. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest