3 miyembro ng carnapping syndicate timbog
September 26, 2005 | 12:00am
Tatlong miyembro ng Madrigal Carnapping syndicate na responsable sa serye ng carnapping ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa lungsod kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr. ang mga suspect na sina Edwin Madrigal, 34, lider ng grupo; magkapatid na sina Rommel at Joel Lim, alyas Alo, tricycle driver.
Pinaghahanap naman ang tatlong iba pa na sina Randy Madrigal, 29; Marlon Ramirez, 29 at Gary Juan, 31.
Ayon kay Radovan, nahuli ang mga suspect sa aktong binubuksan ang isang Hi-Lux pick up na may plakang CRB-329 at pag-aari ni Nicolas Fonte na nakaparada sa harap ng bahay nito sa Mahabagin St. Teachers Village dakong alas 2:30 ng madaling araw kahapon.
Napansin ng ilang nagpapatrol na barangay tanod ang kahina-hinalang Toyota Corolla na may plakang WMT-663 na paikot-ikot sa lugar kung kayat agad na tumawag sa Patrol 117 kung saan mabilis na nagresponde ang mga tauhan ni Supt. Agripino Agcaoili ng Anonas Police.
Narekober mula sa mga suspect ang dalawang .45 kalibre ng baril, 9mm pistol, pick locks, steel saw, CIDG jacket, ibat ibang susi ng mga sasakyan, dalawang Motorola two-way radio at ilang mahahalagang dokumento.
Ayon sa mga suspect, dinadala nila sa Kapalangan, Apalit, Pampanga ang mga kinakarnap na sasakyan.
Ang grupo ay itinuturong kumarnap sa Nissan Patrol ng isang Vernon Go noong Hulyo 29 sa Tomas Morato.
Samantala, nalalagay naman sa "hot water" si Sr. Insp. Wilfredo Alfonso ng PNP-CIDG matapos umanong magsilbing protector ng naturang sindikato. Nagtungo ito sa tanggapan ni Radovan upang "ayusin" umano ang kaso ng tatlong arestadong karnaper.
Sinabi ni Radovan na inamin sa kanya ni Sr. Insp. Wilfredo Alfonso na kinuha niya si Joel Lim bilang CIDG agent kasama ang mga pinsang Madrigal.
Aniya, kakasuhan nila si Alfonso ng kasong Obstruction of Justice kasabay ng panawagan sa CIDG na sampahan ito ng kasong administratibo.
Samantalang nahaharap naman sa kasong Anti-Carnapping Law at Usurpation of Authority ang mga suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended