^

Metro

Ticketing system sa mall, malaking tulong vs carnapping

-
Inamin kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police-Traffic Management Group na malaki ang magagawa ng ticketing system na ipinapatupad sa shopping mall para malimitahan ang galaw ng mga carnapper na gumagala sa nasabing mga establisimyento.

Ayon kay TMG-NCR Deputy Director C/Insp. Ferdinand Villanueva, magandang preventive measure ang ginagawang pag-iisyu ng ticket ng mga mall owners dahil mamo-monitor ng mga ito ang mga pumapasok at lumalabas na sasakyan sa mall.

Awtomatiko rin umanong malalaman ng mga guwardiya sa parking area ng mga mall kung sino ang may dala ng sasakyang ipinasok at inilalabas.

Sa sistemang ito, awtomatikong subject for questioning ang mga may dalang sasakyan palabas ng mall na mabibigong makapag-surrender ng ticket na inisyu sa kanila pagpasok sa establisimyento.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga car owner na dalhin ang ticket na inisyu sa kanila papasok sa alinmang shopping mall at huwag na huwag iiwan sa kanilang sasakyan habang nakaparada ito.

Sa pamamagitan umano nito ay hindi magkakaroon ng pagkakataon ang sinumang carnapper na matangay ang kanilang sasakyan palabas ng shopping mall. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AWTOMATIKO

AYON

CRUZ

DEPUTY DIRECTOR C

FERDINAND VILLANUEVA

INAMIN

MALL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with