Baklang holdaper, binoga ng pulis
September 25, 2005 | 12:00am
Wasak ang dila at agaw-buhay ang isang 17-anyos na bading matapos itong barilin sa bunganga ng isang pulis na tinangkang holdapin ng grupo ng una, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Nasa kritikal na kondisyon sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jimboy, alyas Jopay, ng Tramo St., ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa bunganga na tumagos sa leeg.
Sumuko naman sa pulisya ang suspect na si PO2 Joel Castillo, 34, nakatalaga sa Task Force Sanglahi sa Camp Crame Quezon City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Leo Labrador ng Criminal Investigation Division (CID) ng Pasay City Police, bago naganap ang insidente sumakay si Jopay kasama pa ang dalawang bakla na nagpakilalang sina Carla at Sarah sa taxi na pinapasada ng nasabing pulis sa may panulukan ng Gil Puyat Ave. at F.B. Harrison St. sa Pasay City.
Ilang saglit lamang nagulat ang suspect nang alukin siya ni Carla ng kalahayan ngunit hindi ito pinansin ng pulis.
Dakong alas- 2:30 ng madaling araw pagsapit nila sa may CCP Complex ay biglang bumunot ng patalim si Jopay at tinutukan si Castillo na hindi alam na isang pulis at saka nagdeklara ng holdap.
Gayunman, mabilis na nabunot ni PO2 Castillo ang kanyang kalibre .45 baril hanggang sa paputukan ang biktima.
Mabilis na lumabas ng taxi at nagsitakas ang dalawa pang suspect, habang isinugod naman ng pulis si Jopay sa pagamutan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest