^

Metro

Kampanya laban sa billboards itutuloy ni Castelo

-
Dahil sa perwisyo na dulot ng mga commercial billboards, isinulong kamakailan ng isang konsehal mula sa Quezon City ang isang resolusyon ukol sa moratorium o pagpigil sa paggawa at pagpapatayo ng mga ito sa naturang lungsod.

Naniniwala si District 2 Councilor Winston ‘Winnie’ Castelo na aaprubahan ng Quezon City Council ang kanyang resolusyon dahil sa umaapaw na reklamo ng mga taga-Quezon City kaugnay ng peligro na dulot ng mga commercial billboards.

Umani ng suporta ang resolusyon ni Castelo matapos bitiwan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya nito laban sa billboards na tila nagkalat at naghahasik ng panganib sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa naunang pahayag ng MMDA, isinuko nito ang laban sa billboards dahil tanging ang mga lokal na pamahalaan lamang ang may kapangyarihan na mag-isyu ng permit sa paggawa at pagpapatayo ng mga billboards.

Lalong naudyok ang konsehal na itulak ang naturang resolusyon matapos bumigay at bumalandra ang isang commercial billboards sa riles ng Metro Rail Transit (MRT) sa Quezon City na nagdulot ng abala at panganib para sa mga pasahero nito noong nakaraang Huwebes.

Ayon kay Castelo, buo ang kanyang tiwala na hindi lamang suporta ng konseho ng Quezon City kundi pati na rin ang suporta ni QC Mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte ang kanyang makukuha para sa nasabing resolusyon dahil mismong ang buhay ng mga residente ng naturang lungsod ang nakasalalay dito.

Samantala, iginiit kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa pagri-regulate ng mga billboards matapos ang nangyaring pagbagsak ng isang ad billboard sa MRT kamakalawa sa Quezon City.

Sinabi ni Sen. Santiago na naghain siya ng panukala sa Senado para sa pagri-regulate ng billboard kung saan ay nais niyang imbitahan sina MMDA Chairman Bayani Fernando, Justice Sec. Raul Gonzalez, Solicitor-General Alfredo Benipayo at Metro Manila mayors.

Ayon kay Santiago, sa ilalim ng civil code at national building code ay mayroong kapangyarihan ang mga alkalde para sa regulasyon at maging ang pagbabawal sa paglalagay ng billboards lalo na kung sagabal ito sa trapiko o panganib sa motorista at taumbayan. (Rudy Andal)

AYON

BILLBOARDS

CASTELO

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

COUNCILOR WINSTON

JUSTICE SEC

KALAKHANG MAYNILA

MAYOR FELICIANO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with