^

Metro

‘Totoy bato’ ng Valenzuela, arestado

-
Arestado ang tinaguriang "Totoy Bato" ng Barangay Malanday, Valenzuela City matapos ang isinagawang buy-bust operation ng elemento ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Unit (SAIDSOU), kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act si Teodirico Dalagan, alyas Totoy Bato, 52, ng #1 Antonio Subdivision, Malanday ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang madakip ang suspect sa harap ng kanyang tahanan sa nasabing lugar.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang awtoridad mula sa kanilang impormante hinggil sa lantarang pagbebenta ng suspect ng droga sa nasabing dubdibisyon.

Dito agad na bumuo ng team ang SAIDSOU kung saan isang elemento nito ang nagpanggap na poseur buyer sa suspect.

Nang akmang inaabot na ng suspect ang tatlong sachet ng shabu ay agad itong dinamba ng mga operatiba kung saan narekober sa pag-iingat nito ang ibang shabu paraphernalia at ang marked money na ginamit sa nasabing operasyon. (Rose Tamayo)

vuukle comment

ANTONIO SUBDIVISION

ARESTADO

BARANGAY MALANDAY

DITO

DRUG ACT

DRUGS SPECIAL OPERATION UNIT

ROSE TAMAYO

TEODIRICO DALAGAN

TOTOY BATO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with