Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil, itoy bilang paghahanda sa inaasahang kaliwat kanang kilos-protesta na bantang ibulaga ng mga militanteng grupo at ng mga kalaban ng gobyerno laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Batoil na dakong alas-6 ng gabi (Martes) ay iniutos na ni Lomibao na ipatupad ang heightened alert sa iba pang bahagi ng bansa kasunod naman ng pagdedeklara ng full alert kahapon ng tanghali sa Metro Manila.
Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Dir. Vidal Querol, ang pagsasailalim niya sa buong puwersa ng kanyang mga tauhan sa full alert ay bunsod ng intelligence report na 30,000 raliyista ang magtitipun-tipon sa ibat ibang bahagi ng Kamaynilaan. (Joy Cantos)