Kidnaper na mga pulis, tugis
September 21, 2005 | 12:00am
Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Quezon City Police District (QCPD) ang hideout ng mga pinaniniwalaang kidnap-for-ransom syndicate sa Quezon City kahapon ng umaga.
Dakong alas-8 ng umaga kahapon nang salakayin ng mga awtoridad ang hideout ng mga kidnappers sa No.53 Linaw St., Brgy. Saint Peter, Quezon City.
Gayunman bigo silang madakip ang grupo ng mga kidnappers na sinasabing mga pulis at isa dito ay aktibo at nakilalang si SPO1 Clifford de Guzman na nakatalaga sa Crowd Dispersal Management ng QCPD.
Tanging nadatnan at narekober lamang ng mga awtoridad sa hideout ang isang Toyota Estima van na may plakang RAM 749, isang granada, isang baril at mga bala.
Magugunitang hinarang at dinukot ng mga suspect ang biktimang si Henry Sia dalawang linggo na ang nakakalipas habang lulan ito ng kanyang Pajero sa kahabaan ng Fugoso St., Sta. Cruz, Manila.
Nagpakilalang mga pulis ang mga suspect at nagkunwang sinita ang biktima kasunod nito ay kanila na itong isinakay sa get-away vehicle at dinala sa kanilang hideout sa Linaw St. Brgy. Saint Peter sa nabanggit na lungsod.
Unang humingi ng P5 milyon ang mga suspect kapalit ng kalayaan nito subalit bumaba na lamang sa P200,000. Matapos maibigay ang halaga ay pinalaya na ang biktima.
Natandaan ng biktima ang lugar na pinagdalhan sa kanya at natandaan din niya ang mga mukha ng suspect na napag-alamang mga pulis nga. Target pa rin sila ngayon ng manhunt operation ng mga awtoridad. (Doris Franche at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended