^

Metro

Agawan sa basura: Basurero todas sa tomboy

-
Isang basurero ang nasawi makaraang saksakin ng isang tomboy dahil sa agawan sa puwesto sa pangangalaykay ng basura sa Smokey Mountain sa Tondo, kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng isang saksak sa likuran ang biktima na si Victor Alcantara, 33, ng Bldg. 9 Temporary Housing, Smokey Mountain, Balut, Tondo.

Pinaghahanap naman ang suspect na sumaksak dito na nakilala lamang sa alyas na Nene, isang tomboy.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na natagpuan ang biktima ng ina nitong si Aling Leonora, 56, dakong alas-5:30 ng umaga na wala nang buhay sa loob ng kuwarto nito.

Sinabi ni Aling Leonora na dakong alas-8 noong Linggo ng gabi nang dumating sa kanilang bahay ang anak na may pasa sa katawan at saksak sa likod.

Nagsumbong pa umano sa kanya ang anak na mga kasamahan niyang basurero ang bumugbog sa kanya habang sinaksak naman siya ng tomboy na si Nene.

Sinabihan pa umano niya ang anak na pumunta sa ospital at ipagamot ang sugat ngunit hindi naman ito sumunod at pumasok na lamang sa kuwarto nito.

Nang magising ng umaga ng Linggo, dinalhan niya ng almusal ang anak at doon nadiskubre niya na isa na itong bangkay. Posibleng naubusan ng dugo ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALING LEONORA

DANILO GARCIA

ISANG

LINGGO

NAGSUMBONG

NAGTAMO

NANG

SMOKEY MOUNTAIN

TEMPORARY HOUSING

VICTOR ALCANTARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with