^

Metro

Salvage victim itinapon sa kanal

-
Isang naaagnas na bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang hubo’t hubad sa kanal kahapon ng umaga sa Pasig City.

Ang biktima ay napag-alamang ilang araw nang patay at tinatayang nasa edad 30-35 anyos, may taas na 5’4 talampakan. Ito ay natagpuang nakatali ng alambre ang leeg at magkabilang kamay at may mga palatandaang pinahirapan muna bago pinatay at saka isiniksik sa hindi kalakihang open canal sa kahabaan ng Eusebio Ave., Brgy. San Miguel ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang makita ang nasabing bangkay ng isang residente ng nasabing lugar matapos sundan nito ang pinagmumulan ng mabahong amoy na siyang nagbigay-alam sa pulisya. Napag-alaman pa na hindi taga-roon ang biktima dahil walang nakakakilala rito.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives ng Eastern Police District na may dalawa hanggang tatlong araw nang patay ang biktima dahil sa itsura ng bangkay nito.

Dagdag pa ng pulisya, posibleng hindi sa nasabing lugar pinatay ang biktima at doon lamang itinapon para iligaw ang pagsisiyasat ng pulisya.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at sa agarang paghuli sa mga suspect. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

DAGDAG

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

EUSEBIO AVE

ISANG

PASIG CITY

SAN MIGUEL

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with