^

Metro

Bagitong pulis nirapido ng NPA

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng pinaniniwalaang miyembro ng CPP-NPA at gun for hire ang isang bagitong pulis habang papauwi kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din sanhi ng tinamong walong tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si PO1 Ronaldo Fabre, 28, nakatalaga sa 418 Police Mobile Group Regional Mobile sa Rizal at residente ng Brgy. Marilag, Quezon City.

Nadakip naman at nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspect na nakilalang si Louie Aurelia, 34, ng Culang-Culang, Quezon Province.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng P. Burgos at P. Tuazon St., Brgy. Marilag ng nabanggit na lungsod.

Lumabas ng bahay ang biktima upang bumili ng gamot sa isang botika malapit sa Labor Hospital para sa kanyang asawa na si PO1 Alma Fabre na nakatalaga sa Camp Crame.

Pauwi na ito nang abangan ng suspect at paulanan ng bala ng UZI machine pistol.

Nagkataon namang malapit sa lugar ang mobile car ng QCPD Station 8 kayat agad na nahuli ang suspect. Nakuha mula sa pangangalaga ng suspect ang baril na ginamit sa pamamaslang.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng paghihiganti ang motibo sa pamamaslang dahil na rin sa may hinuli ang biktima na isang kasamahan ng suspect kaugnay sa ilegal na droga. Ayon naman sa isang ex-Army na nakakulong din sa himpilan ng pulisya na ang nadakip na suspect ay isang miyembro ng makakaliwang grupo.

Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa ng mga awtoridad sa interogasyon ang suspect upang malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang. (Doris Franche)

ALMA FABRE

AYON

BRGY

CAMP CRAME

DORIS FRANCHE

LABOR HOSPITAL

LOUIE AURELIA

MARILAG

POLICE MOBILE GROUP REGIONAL MOBILE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->