Metro binaha: 3 patay
September 17, 2005 | 12:00am
Tatlo katao ang iniulat na nasawi, habang lumubog naman sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila sanhi ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa nakalipas na mga araw sanhi ng nararanasang active low pressure area.
Ayon kay Dr. Anthony Golez Jr., Deputy Administrator ng Office of Civil Defense (OCD) at tagapagsalita ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang bangkay ng biktimang si Alexander Bihag, 24, residente ng Cupang, Muntinlupa City ay narekober ng rescue team sa Laguna de Bay.
Nakuha naman sa ilalim ng tulay ang bangkay ng dalawang batang pamangkin ni Bihag na nakilalang sina Alison Analupa, 2 at Angel Analupa, 1-anyos sa Pasong Diablo Creek Sitio Tubias, Brgy. Cupang.
Sinabi pa ni Golez na bunga ng active low pressure area ay tatlong barangay ang lumubog sa baha sa Muntinlupa City na kinabibilangan ng Brgy. Sucat, Brgy. Buti at Brgy. Cupang.
Maliban dito ay apektado rin ng baha ang mga kalsada sa Brgy. Cupang, Poblacion, Tunasan habang sa Parañaque City ay ang Sucat Road sa harapan ng Olivares Hospital.
Sa Caloocan City, apektado naman ang C4 Letre, Monumento at Sangandaan.
Sa Maynila naman, apektado rin ng mga pagbaha ang V. Mapa, Pureza, Old Santa Mesa at Magsaysay Boulevard.
Sa area naman ng Malabon, naapektuhan ang Brgy. Catmon at sa Valenzuela ay ang Brgy. Pulo, Letre at Gov. Pascual.
Sa Marikina ay ang Brgy. M alanday kung saan aabot sa 100 pamilya ang inilikas dahil sa pagtaas ng Tumana River.
Dahil dito, inalerto naman ni MMDA chairman Bayani Fernando ang kanyang mga tauhan upang magsagawa ng rescue operation sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha. (Joy Cantos At Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest