^

Metro

Droga, labas-pasok sa mga pier sa bansa

-
Mas lalong pinaghigpit ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa lahat ng mga pier sa bansa matapos mabatid na malayang nakakalabas-masok sa mga barko ang mga miyembro ng sindikato at nakakapagpuslit ng malalaking bulto ng droga.

Sinabi ni PCG-National Capital Region chief, Commodore Wilfredo Tamayo na ginagamit ng sindikato ng droga ang domestic passenger vessel para maibiyahe ang droga sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito’y matapos na maaresto ng Task Force Sea Marshalls kahapon ng alas-6 ng gabi ang drug courier na si Dario Cortez, habang pasakay ito ng SuperFerry 12 patungong Cebu.

Sa ulat ng PCG, nadiskubre ang isang balumbon sa loob ng bag ni Cortez nang isailalim ito sa x-ray sa Eva Macapagal Terminal sa Pier 15. Nang buksan ang bag, dito nakita ang mga malalaking pakete ng shabu na tumitimbang ng isang kilo.

Sa imbestigasyon kay Cortez, sinabi nito na ipinagkatiwala lamang sa kanya ang naturang bag ng isang lalaki na hindi nito binanggit ang pangalan at ibibigay sana sa isa pa na sasalubong sa kanya sa pier ng Cebu.

Hindi naman umano niya alam na shabu ang laman ng naturang bag. Ngunit nang isailalim sa pagsusuri ang suspect, nabatid na nasa ilalim ng impluwensiya ng droga rin ito nang sumakay sa barko.

Dahil dito, mas pinaghihigpit ng PCG ang pag-iinspeksiyon at pagmonitor sa mga pasahero ng mga barko dahil sa hinalang malayang nakakasakay ang mga indibidwal na nasa ilalim ng impluwensiya ng droga o kaya ng alak.

Kamakailan, pinaghigpit din ng PCG-NCR ang pagbabantay sa Manila Bay laban sa talamak na dynamite fishing, smuggling at prostitusyon sa mga nakadaong na barko. (Danilo Garcia)

CEBU

COMMODORE WILFREDO TAMAYO

DANILO GARCIA

DARIO CORTEZ

EVA MACAPAGAL TERMINAL

MANILA BAY

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE COAST GUARD

TASK FORCE SEA MARSHALLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with