^

Metro

100 sugatan sa sumabog na ammo dump

- Edwin Balasa, Joy Cantos -
Isang-daan katao ang inulat na nasugatan kabilang ang ilang tauhan ng pulisya at mga drug dependents, habang tinatayang aabot sa mahigit na P12 milyon ang halaga ng mga ari-arian na nawasak matapos na magmistulang war zone ang Camp Bagong Diwa nang sumabog ang isang ammunition dump sa loob ng compound sanhi umano ng matalim na kidlat.

Base sa ulat, mga minor injury lamang ang tinamo ng mga biktima.

Samantala, 41 drug dependents naman ang dinakip ng mga awtoridad makaraang samantalahin ang kaguluhan at nagsitakas. Naibalik na ang mga ito sa CUREDO Rehabilitation Center.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng gabi sa may ammunition dump na matatagpuan sa LSS Compound sa Camp Bagong Diwa sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na ang naturang ammunition dump ay naglalaman ng mga bala at iba’t ibang uri ng pampasabog na pawang mga narekober na ebidensiya na inilipat lamang dito ng Firearms and Explosive Division ng Camp Crame.

Hinihinalang nagmula ang malakas na pagsabog sa nag-spark na ammonium nitrate, isang sangkap sa paggawa ng dinamita na sinasabing tinamaan umano ng kidlat.

Matapos ito ay walong sunud-sunod na pagsabog na ang naganap na nagresulta sa pagkawasak ng LSS building, CUREDO Rehabilitation Center, NCRPO Admin Building, RSAU, isang gasolinahan at ilang kabahayan na malapit sa naturang kampo.

Sa gitna ng kaguluhan dulot ng pagsabog, sinamantala naman ng mga drug dependents na magsitakas, gayunman muli silang nadakip ng mga awtoridad.

ADMIN BUILDING

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

FIREARMS AND EXPLOSIVE DIVISION

HINIHINALANG

ISANG

MATAPOS

NAIBALIK

REHABILITATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with