Bangkay ng estudyante sa field trip tragedy, nakita na
September 13, 2005 | 12:00am
Lumutang na kamakalawa ng hapon sa ilog ng Marikina ang bangkay ng batang nawawala sa tumaob na bus galing sa isang field trip noong Sabado ng umaga na ikinasugat din ng 20 estudyante. Dakong alas-5:15 nang matagpuan ng isang concerned citizen ang bangkay ni Carol Borromeo, 14, 2nd year high school student ng Pasay City South High School na nakalutang sa kahabaan ng Marikina River sakop ng Brgy. San Roque, lungsod ng Marikina.
Halos maglupasay naman sa kaiiyak ang mga magulang ng biktima nang makita ang bangkay ng nawawalang anak na nasa punerarya na.
Matatandaang noong Sabado bago magtanghali ay nahulog ang isa sa walong Greenstar bus na kinalululanan ng may 57 estudyante kasama ang nasawing biktima sa ilog sa Brgy. San Rafael Rodriguez, Rizal galing sa isang field trip sa Avilon Zoo ng nasabing barangay.
Nasugatan ang may 20 estudyanteng lulan ng bus na pawang mga nasa 2nd year high school habang nailigtas naman ang iba pang estudyante maliban kay Borromeo.
Ayon sa pulisya, posible umanong tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog si Borromeo na hindi napansin ng iba pa nilang kasamahan na nahulog sa bus. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am