Dahil sa sintunadong kanta, obrero kinatay
September 13, 2005 | 12:00am
Makaraang kumanta ng sintunado, isang ice plant operator ang pinagtulungang tagain at pagsasaksakin ng limang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Charlie Isidro, ng #32 Samanaka St., San Roque II, Brgy. Pag-asa ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng taga sa ulo, saksak sa braso at biyak sa mata.
Tatlo naman sa limang suspect ang nadakip at kinilala na sina Erickson Febayos, 23, estudyante; Armando Loregaay, 34; at Joseph Mabunga, 20. Nakapiit ang mga ito sa detention cell ng QCPI-CIU.
Sa imbestigasyon ni PO3 Romeo Tandas, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa bahay ng kamag-anak ng biktima sa #146 Samanaka St., San Roque II.
Nag-iinuman at nagkakantahan ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan nang biglang mapadaan ang limang suspect. Nairita ang mga suspect sa pagiging sintunado ng biktima kung kayat binato ng una ang bahay ng huli.
Dito nagalit ang biktima at lumabas ng bahay subalit bigla itong kinuyog ng mga suspect at pinagtulungang tagain at saksakin. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest