10-anyos binoga, napatay ng sekyu
September 13, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang batang lalaki matapos barilin ng isang sekyu habang namumulot ng basura ang una sa isang creek, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa batok ang biktimang si Oliver Alinsunod, 10, ng Pitong Gatang St., Brgy. Sipac ng nasabing bayan.
Pinaghahanap naman ang suspect na nakilalang si Reynante dela Cruz, 39, security guard sa isang gawaan ng sardinas na nasa Brgy. San Jose, Navotas.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tabi ng creek sa gilid ng compound ng pabrika ng sardinas.
Nabatid na namumulot ng basura ang paslit kasama ang tatlo nitong kaibigan nang makita ng suspect na noon ay naka-duty sa outpost.
Sa hindi malamang dahilan ay tinarget at saka pinaputukan ng baril ng sekyu ang biktima na agad na bumagsak sa maruming tubig sa creek.
Posible umanong napagkamalang magnanakaw ng suspect ang biktima o kung hindi man ay napagtripan lamang nito na targetin ang kawawang paslit.
Mabilis na tumakas ang suspect ng makitang humandusay ang biktima.
Isang manhunt operation pa ang isinasagawa ng pulisya laban sa tumakas na suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am