Pusher, todas sa sindikato

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng pitong hindi pa nakikilalang kalalakihan ang isang babae na hinihinalang drug pusher sa Quezon City.

Tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan si Rosemarie Buenaventura, 35, ng 66 Calavite St. Brgy. Salvacion, La Loma.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Mario Turiano ng QCPD-CID, naganap ang insidente bandang alas-6:30 kamakalawa ng gabi na Calavite St.

Nabatid na nagsasagawa ng buy bust operation ang grupo ni SPO1 Jerardo Rivera na nakatalaga sa NCRPO-Camp Bagong Diwa sa lugar ni Buenaventura.

Nasa aktong inaabot ni Buenaventura ang shabu sa poseur buyer nang bigla itong pagbabarilin ng pitong armadong kalalakihan.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang pulisya. (Doris Franche)

Show comments