^

Metro

Ganti ng kalabang grupo: Obrero utas, 2 pa kritikal

-
Isang obrero ang namatay habang dalawang kaibigan nito ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagbabarilin ng kaaway na grupo habang papauwi kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Diosdado Macapagal Medical Center ang biktimang si Ferdie Mark Tinawen, 20 , ng No. 259 Isla San Jose St. Maypajo habang inoobserbahan naman ang dalawang kaibigan nito na sina Lawrence Caluag, 25 at Rudy Pineda, 23, kapwa residente ng Sawata Area, Brgy. 35 ng nabanggit ding lungsod.

Nagsasagawa naman ang manhunt operation ang pulisya laban sa tatlong suspect na isa dito ay nakilalang si Jonas Cuyugan ng Pateros St. sakop din ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang harangin ng mga suspect ang mga biktima na papauwi sa kahabaan ng Tambacan St. Maypajo.

Isa sa mga suspect ang agad na bumaril kay Caluag habang inutusan naman ng mga ito ang dalawa pang biktima na tumakbo.

Subalit hindi pa man nakakalayo ay bigla na lamang binaril ng mga suspect si Tinawen sa ulo at sa mukha naman si Pineda at saka mabilis na tumakas.

Ayon sa ilang residente magkalabang grupo ang dalawa kung kaya’t posibleng gumanti ang grupo ng suspect sa grupo ng biktima. (Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

DIOSDADO MACAPAGAL MEDICAL CENTER

FERDIE MARK TINAWEN

ISLA SAN JOSE ST. MAYPAJO

JONAS CUYUGAN

LAWRENCE CALUAG

PATEROS ST.

ROSE TAMAYO

RUDY PINEDA

SAWATA AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with