Operator ng escort service business, timbog
September 11, 2005 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang US citizen na operator ng escort service business sa isinagawang pagsalakay sa kanyang bahay sa Quezon City.
Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang suspect na si Ignacio Tabangcura, may mga alyas na Benjamin Quinto, Benz Quinto at Benjie Quinto ng Blk 26 Lot 5 JP Rizal St. Capitol Estate Batasan Hills ng nabanggit na lungsod.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Manila RTC Judge Antonio Eugenio, Jr., inaresto ang suspect matapos na makumpirma na patuloy itong nag-ooperate ng escort service business sa loob mismo ng kanyang bahay.
Lumilitaw din na sa ginawang beripikasyon ng NBI sa US Embassy nabatid na ang suspect ay isang US citizen na wanted sa kasong US insurance fraud.
Sasampahan din ito ng kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Person Act, Anti-Alias Law at Falsification of Public Documents sa QC Prosecutors Office. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended