NPA suspect sa pagpatay sa asawa ng huwes
September 9, 2005 | 12:00am
Lumulutang ngayon ang posibilidad na miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang responsable sa pamamaril sa isang abogado na asawa ng isang Quezon City judge na namatay na rin habang ginagamot kahapon ng umaga sa Maynila.
Dakong alas-8:30 ng umaga nang tuluyang bawian ng buhay sa UERM ang biktimang si Atty. Victor Padilla, ng San Jose St. Sampaloc, Maynila. Nagtamo ito ng tama ng bala ng 9 mm caliber sa sentido.
Inilarawan naman ang gunman na nasa pagitan ng 17-20 anyos, payat at nakasuot ng puting t-shirt at maong shorts.
Ayon kay Det. Jericho Jimenez ng MPD-Homicide Section, nahihirapan silang malaman ang motibo dahil ayaw magbigay ng anumang pahayag si QCRTC Judge Ma. Luisa Padilla.
Lumabas ang anggulo na posible umanong may kinalaman ang insidente sa isyu ng "land grabbing" dahil pilit umanong inaangkin ni Padilla ang may 375 ektarya ng lupain sa Solano, Cagayan.
Ayon kay Danilo Ramos, secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas iginigiit umano ng biktima na pag-aari ng kanyang ina na si Nerina ang nasabing lupain.
Bukod dito, may inaangkin ding lupain ang biktima sa lalawigan ng Negros, Leyte at Occidental Mindoro kung saan pinakamalakas naman ang NPA.
Si Padilla ay binaril ng malapitan habang nakikipag-inuman sa pagdiriwang ng kanyang ika-56 na kaarawan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest