^

Metro

Inatado ng karibal: Lalaki, kritikal

-
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang binata nang pagsasaksakin ng kanyang karibal kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Edwin del Piero, 31 ng No. 46 Lakandula St. Brgy. Parang ng nasabing lungsod.

Agad namang naaresto ng mga pulisya ang suspect na si Norman Evangelista, 23, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon sa harap ng bahay ng biktima nang biglang mag-amok ang suspect na lasing at may dalang patalim.

Lumabas ang biktima upang kausapin ang suspect subalit bigla na lamang itong sinugod ng huli at paulit-ulit na sinaksak.

Lumilitaw na magkaribal ang biktima at suspect sa babaeng kanilang nililigawan hanggang sa isagawa ng huli krimen. (Ulat ni Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

EDWIN

EDWIN BALASA

KASALUKUYANG

LAKANDULA ST. BRGY

LUMABAS

LUMILITAW

MARIKINA CITY

NORMAN EVANGELISTA

PIERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with