^

Metro

Vendor, binarat na pinatay pa!

-
Isang cigarette vendor ang binaril at napatay ng tatlong katao na kinabibilangan umano ng isang pulis kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktima na inilarawan na nasa 40-45 anyos, nakasuot ng puting T-shirt, fatigue pants at rubber shoes. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng .45 baril sa dibdib.

Inutos naman ni Quezon City Police District(QCPD) director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr. ang pagsisiyasat sa kaso upang matukoy ang sinasabing police na responsable sa pamamaslang.

Sa imbestigasyon ni PO2 Joseph Diño ng QCPD-CID naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa tapat ng isang palengke sa Litex Road, Brgy. Commonwealth ng nabanggit na lungsod.

Ayon naman kay Chief Insp. Ruel Vacaro ng QC Crime Lab, hindi binayaran ng mga suspect ang kanilang biniling sigarilyo na ikinagalit ng biktima.

Dahil dito, hinampas umano ng biktima ang mga suspect subalit bigla itong binaril ng tatlong beses ng isa sa mga suspect.

Matapos ito ay agad na sumakay ng tricycle ang mga suspect patungong Fairview. (Ulat ni Doris Franche)

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CRIME LAB

DORIS FRANCHE

JOSEPH DI

LITEX ROAD

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RUEL VACARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with