Minomonitor ng PNP: NGOs sabwat sa terorismo
September 9, 2005 | 12:00am
Minamanmanan ngayon ng Southern Police District (SPD) Intelligence Office ang ilang Non-Government Organization (NGOs) na umanoy ginagamit ng grupo ng mga terorista upang makalikom ng pondo para makabili ng baril na gagamitin sa paghahasik ng terorismo.
Pansamantala munang hindi tinukoy ng SPD ang mga NGOs na sinasabing front ng mga grupo na kinabibilangan ng Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah dahil sa nangangalap pa rin sila ng mga sapat na ebidensiya.
Batay sa intelligence report, nakapaglagak na ng malaking pondo sa bangko ang ilang bansa sa Middle East para sa grupo ng mga terorista kung saan gagamitin naman ang ilang NGOs dito sa Pilipinas upang malayang makapag-withdraw ng pondo na kanilang gagamitin para makabili ng baril, bomba at bala.
Posibleng dito rin kumukuha ng mga pondo ang grupo ng mga terorista para sa kanilang recruitment at pagtatago sa ilang lugar sa MM.
Kasabay nito, minomonitor din ng pulisya ang ilang Muslim Community sa Taguig, Pasay at Parañaque City kaugnay ng posibleng banta sa seguridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest