Hapones timbog sa pagkidnap sa anak
September 8, 2005 | 12:00am
Dinakip ang isang Japanese national makaraang kidnapin ang siyam-na- buwang gulang niyang anak sa asawa niyang Pinay, kamakailan sa Pasay City.
Nasa kustodya na ng pulisya at sinampahan ng kasong kidnapping sa Pasay City Prosecutors Office ang suspect na si Hiroshi Shirakata, ng Ogikubo, Suginami Ku, Tokyo, Japan.
Dinakip ito base sa reklamong iniharap ng kanyang misis na si Cristina Shirakata, 26, ng Lot 23, Block 12, Sapphire St., EMCCO Subdivision, Meycauyan, Bulacan.
Ayon kay Cristina, noong Setyembre 2, 2005 dumating sa bansa ang kanyang asawa . Nagpunta lamang ito sa bansa para bisitahin ang kanilang anak na si Athena.
Nabatid na habang naka-check-in sila sa isang hotel sa Roxas Blvd., Pasay City ay ipinuslit ng Hapones ang kanilang anak habang siya ay nasa loob ng comfort room.
Nadiskubre pa ng ginang na balak dalhin ng kanyang mister ang kanilang anak sa Japan.
Kaagad na nagsuplong si Cristina sa pulisya, kung saan kamakalawa ay natunton ang Hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang tangkang ipuslit ang bata. Naibalik na kay Cristina ang kanilang anak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended