^

Metro

Dutch national, lover kinatay ng driver

-
Pinatay muna sa saksak bago pinagnakawan ang isang umano’y bading na Dutch national kasama ang lover nitong Pinoy sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Frans Harleyman at John Aquino, ng 31 Doña Alicia St., Ina Executive Homes, Better Living, Parañaque City.

Si Harleyman ay isang teacher sa International School, samantalang si Aquino naman ay empleyado ng Globelines. Kapwa nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang dalawang biktima. Tumakas naman ang suspect na si Reynaldo Panaligan, alyas Udong at ang dalawang hindi pa kilalang kasama nito.

Sa sketchy report ng pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2 hanggang alas- 3 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspect ang bahay ng mga biktima.

Nabatid pa na si Udong ay nagsisilbing driver at boy ng dalawang nasawi.

Nang makapasok sa bahay ay agad na pinagsasaksak ng mga suspect ang mga biktima at saka pinagnakawan. Tinangay pa ni Udong ang sasakyang Pajero ng mga biktima.

Narekober naman ito kahapon dakong alas-6 ng umaga sa may riles ng tren sa Bicutan Exit.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang tatlong kutsilyo na ginamit ng mga suspect sa dalawang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALICIA ST.

BETTER LIVING

BICUTAN EXIT

FRANS HARLEYMAN

INA EXECUTIVE HOMES

INTERNATIONAL SCHOOL

JOHN AQUINO

LORDETH BONILLA

UDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with