^

Metro

Garbage truck bawal sa major roads

-
Ipinagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglabas ng mga garbage trucks sa major roads tuwing rush hours at nilinaw na hindi exempted ang mga ito ang truck ban policy ng ahensiya.

Umaksiyon ang MMDA matapos tumanggap ng reklamo mula sa publiko kaugnay sa mabaho at masangsang na amoy ng basura na nalalanghap ng mga pedestrian at motorista sa lansangan.

Dahil dito, inalerto ni Traffic Operations Center (TOC) Executive Director Angelito Vergel De Dios ang mga enforcers na antabayanan at hulihin ang mga drivers ng garbage truck na lumalabas sa kanilang hurisdiksiyon at oras ng pagkakuleta ng mga basura.

Ilang private vehicle owners naman ang nagrereklamo sa umano’y pagbibigay permiso sa mga garbage truck na bumaybay sa EDSA partikular tuwing rush hours kung saan sumasabay sila sa dami ng tao dahil masama sa kalusugan ang masangsang na amoy ng basura na kanilang dala. (Lordeth Bonilla)

BASURA

DAHIL

EXECUTIVE DIRECTOR ANGELITO VERGEL DE DIOS

ILANG

IPINAGBABAWAL

LORDETH BONILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRAFFIC OPERATIONS CENTER

UMAKSIYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with