^

Metro

Rehabilitasyon ng QC Memorial Circle ok na!

-
Tuluy-tuloy na ang rehabilitasyon ng Quezon City Memorial Circle matapos na aprubahan ng konseho ang panukalang resolusyon ng pagsasaayos nito na sinasabing isa sa mga world class na tourism landmark.

Ayon kay QC District II Councilor Winston Castelo, ang halos lahat ng mga konsehal ay sumang-ayon sa pagbabagong anyo ng nasabing national park kung saan may "go signal" na si QC Mayor Feliciano Belmonte.

Sa katunayan ay may engrandeng disenyo si Belmonte na mas lalo pang manghihikayat sa mga turista.

Dito naman madadagdagan ang kita ng lokal na pamahalaan na tutugon naman sa mga pangangailangan ng mga residente ng lungsod.

Naniniwala din si QC Vice Mayor Herbert Bautista na marami ding mga negosyante ang mamumuhunan at maglalagay ng kanilang negosyo sa nasabing park sa sandaling maisagawa ang renovation nito. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BELMONTE

COUNCILOR WINSTON CASTELO

DITO

DORIS FRANCHE

MAYOR FELICIANO BELMONTE

NANINIWALA

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with