Jolina palabas na ng bansa
September 4, 2005 | 12:00am
Kumikilos sa direksyong patungong hilagang-kanluran ng katimugang bahagi ng bansang Japan ang bagyong si Jolina.
Ito naman ang nabatid sa ipinalabas na weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, dakong alas-11 ng umaga nang namataan ang bagyong Jolina sa layong 1,260 kms. sa silangang-hilagang silangan ng Luzon. May dala itong lakas ng hangin na aabot sa 175 kms. bawat oras malapit sa gitna at may bugso na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.
Inaasahang mararating ni Jolina ngayong umaga sa bilis na 1,060 kph ang silangang-hilagang Silangang Luzon at kikilos sa 990 kms patungong Northern Luzon ng Okinawa at katimugan naman ng Japan sa Lunes. Bagamat hindi labis na nakakaapekto sa bansa si Jolina, inaasahang palalakasin nito ang hanging habagat na siya namang nagbibigay ng ulan sa Luzon at Visayan regions. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended