^

Metro

Daan-daang Bumbay magha-hunger strike

-
Daan-daang Bumbay na miyembro ng isang religious organization ang magsasagawa ng pagha-hunger strike ngayon upang kondenahin ang umano’y ginagawang anomalya, korupsyon at hindi magandang pagtrato sa Indian community ng mga opisyal ng Indian Embassy at ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Geedee Singh, publisher at editor ng Dateline India at miyembro ng Khalsa Diwan Sikh na nagpadala na sila ng liham kay Bhagwant Rai Bansai, Pangulo ng kanilang organisasyon na nagdesisyon silang magsagawa ng isang araw na hunger strike upang kondenahin ang korupsyon sa Indian Embassy.

Magsisimula ang hunger strike ngayon Setyembre 4 dakong alas-3 ng hapon sa harapan ng Khalsa Diwan Sikh Temple na matatagpuan sa kahabaan ng UN Avenue, Manila na dadaluhan ng may 80 porsiyento ng Indian immigrants sa bansa na kasapi sa naturang organisasyon.

Inireklamo ng grupo ang umano’y overcharging sa kanila ng Indian Embassy mula sa halagang P30,000 hanggang P35,000 sa pagpo-proseso ng kanilang papeles tulad ng passport at iba pang serbisyo kaya’t nagdesisyon sila na magsagawa ng signature brigade bilang protesta na kanilang ipapadala sa Prime Minister ng India.

Ilan din naman umanong tauhan ng BI ang nagsasamantala sa kanila sa pamamagitan ng paghingi ng pera. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BHAGWANT RAI BANSAI

BUREAU OF IMMIGRATION

DATELINE INDIA

GEEDEE SINGH

GEMMA AMARGO-GARCIA

INDIAN EMBASSY

KHALSA DIWAN SIKH

KHALSA DIWAN SIKH TEMPLE

PRIME MINISTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with