^

Metro

Piskal kinasuhan ng NBI

-
Isang Piskal sa Makati City ang sinampahan ng kasong kriminal sa Ombudsman ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos umano itong magrekomenda ng piyansa sa isang hinihinalang big-time drug pusher na nahulihan ng ipinagbabawal na gamot.

Kasong paglabag sa anti-graft and corruption practice ang isinampa ng Special Task Force ng NBI laban kay Prosecutor Hannibal Santillan, 3rd City Prosecutor ng nasabing lungsod.

Batay sa isinampang kaso ng NBI sa tanggapan ni Ombudsman Margarito Gervacio, nag-ugat ang kaso laban kay Piscal Santillan matapos na bigyan nito ng piyansa ang suspect na si Salim Shehzad Khan na may kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165.

Nakumpiska mula sa suspect ang may 17,170 tableta ng Stilnox, 1,005 tableta ng Valium at siyam na tableta ng Mogadon sa isang drug bust operation kamakailan.

Ayon pa sa reklamo ng NBI, isang capital offense ang kaso ni Khan na dapat hindi na ito pinayagang makapagpiyansa ngunit nagrekomenda ng P200,000 bail ang nasabing piskal upang makalaya ang suspect.

Nilinaw ng NBI ang nakasaad sa RA 9165 ang pag-iingat ng may 10 gramo o higit pa ng ipinagbabawal na gamot ay isang capital offense na wala nang inirerekomendang piyansa sa sinumang lumabag dito kaya’t hindi nararapat na makalaya ang suspect. (Gemma Amargo Garcia)

CITY PROSECUTOR

GEMMA AMARGO GARCIA

ISANG PISKAL

MAKATI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OMBUDSMAN MARGARITO GERVACIO

PISCAL SANTILLAN

PROSECUTOR HANNIBAL SANTILLAN

SALIM SHEHZAD KHAN

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with