^

Metro

Kuta ng mga holdaper sinalakay

-
Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Makati City Police ang kuta ng isang grupo ng bank robbery hold up syndicate kung saan isa rito ang nabaril at napatay, habang isa pa ang naaresto matapos ang naganap na shootout, kamakalawa sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang nasawing suspect na si Jose Capundag, ng Cagayan St., Makati City. Isa itong takas na bilanggo mula sa Sablayan Prison and Penal Farm, Occidental Mindoro na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip naman ang isa pang kasamahan nito na si Joseph Calaramo na dito nasamsam ang tatlong 12 gauge shotgun at ibat-ibang mga bala.

Nabatid na bago ang raid, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa umano’y pinagkukutaan ng grupo ng sindikato na nasa bilang na 7 hanggang 8 katao.

Dakong alas-4 ng hapon ng isagawa ang pagsalakay sa kuta na nasa No. 100 sa panulukan ng Gil Puyat Ave. at Washington St., Brgy. Pio del Pilar, Makati City.

Naabutan lamang ng mga awtoridad sa safehouse ay sina Capundag ar Calaramo na nang makita ang mga pulis ay agad na nagpaulan ng putok ng baril.

Dahil dito, gumanti ang pulisya nang pagpapaputok na naging sanhi ng kamatayan ni Capundag at pagkahuli naman kay Calaramo. (Lordeth Bonilla)

CAGAYAN ST.

CALARAMO

CAPUNDAG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GIL PUYAT AVE

JOSE CAPUNDAG

JOSEPH CALARAMO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with